Mga Panaghoy 3:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos.

2. Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.

3. Walang awa niya akong hinahampas sa buong maghapon.

4. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto.

5. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa.

6. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan.

Mga Panaghoy 3