Mga Panaghoy 2:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Pinaguho niya ang tabernakulo nito gaya ng isang halamanan;winakasan ni Yahweh ang mga itinakdang pista at Araw ng Pamamahinga,at itinakwil niya ang mga hari at mga pari dahil ang kanyang galit ay matindi.

7. Itinakwil ni Yahweh ang kanyang altar, tinalikuran ang kanyang templo;ipinagiba niya sa mga kaaway ang mga pader nito.Dahil sa kanilang tagumpay, nagkaingay sa tuwa ang mga kaaway sa lugar na dati'y buong galak naming pinagdarausan ng pagsamba.

8. Ipinasya ni Yahweh na wasakin ang pader ng Zion,itinakda niya ang ganap na pagkasira nito; hindi niya iniurong ang kanyang balak na pagwasak.Ngayon, ang muog at ang kuta ay nakaguho.

9. Gumuho na rin ang mga pintuang-bayan, bali ang mga panara nito, pati na rin ang mga tarangkahan.Nangalat sa mga bansa ang kanyang hari at mga pinuno; wala nang kautusang umiiral,at wala na ring pangitain mula kay Yahweh ang kanyang mga propeta.

10. Tahimik na nakalugmok sa lupaang pinuno ng Jerusalem;naglagay sila ng abo sa ulo at nakasuot ng damit-panluksa.Ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakaluhod, ang mukha'y halos sayad sa lupa.

Mga Panaghoy 2