5. Tulad ng kaaway, winasak ni Yahweh ang Israel.Giniba niya ang mga palasyo at lahat ng kuta;inilagay niya ang Juda sa walang katapusang pagdadalamhati.
6. Pinaguho niya ang tabernakulo nito gaya ng isang halamanan;winakasan ni Yahweh ang mga itinakdang pista at Araw ng Pamamahinga,at itinakwil niya ang mga hari at mga pari dahil ang kanyang galit ay matindi.
7. Itinakwil ni Yahweh ang kanyang altar, tinalikuran ang kanyang templo;ipinagiba niya sa mga kaaway ang mga pader nito.Dahil sa kanilang tagumpay, nagkaingay sa tuwa ang mga kaaway sa lugar na dati'y buong galak naming pinagdarausan ng pagsamba.
8. Ipinasya ni Yahweh na wasakin ang pader ng Zion,itinakda niya ang ganap na pagkasira nito; hindi niya iniurong ang kanyang balak na pagwasak.Ngayon, ang muog at ang kuta ay nakaguho.
9. Gumuho na rin ang mga pintuang-bayan, bali ang mga panara nito, pati na rin ang mga tarangkahan.Nangalat sa mga bansa ang kanyang hari at mga pinuno; wala nang kautusang umiiral,at wala na ring pangitain mula kay Yahweh ang kanyang mga propeta.
10. Tahimik na nakalugmok sa lupaang pinuno ng Jerusalem;naglagay sila ng abo sa ulo at nakasuot ng damit-panluksa.Ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakaluhod, ang mukha'y halos sayad sa lupa.
11. Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban.Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan;nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol.
12. Nag-iiyakan sila at patuloy na humihingi ng pagkain at inumin.Nanlulupaypay sila na parang mga sugatan sa mga lansangan.Unti-unting nangangapos ang mga hininga sa kandungan ng kanilang mga ina.
13. Ano ang masasabi ko sa iyo, O Jerusalem, Jerusalem, lunsod na pinakamamahal ko?Saan kita maitutulad upang ika'y aking maaliw?Sapagkat sinlawak ng dagat ang iyong kasiraan; tila wala nang pag-asa.
14. Ang sinasabi ng inyong mga propeta ay pawang kasinungalingan.Dinadaya nila kayo sa hindi nila paglalantad ng inyong kasamaan.Pinapaniwala nila kayo na hindi na ninyo kailangang magsisi sa inyong mga kasalanan.
15. O lunsod ng Jerusalem,hinahamak ka't pinagtatawanan ng lahat ng nagdaraan.Sinasabi nila, “Ito ba ang lunsod na huwaran ng kagandahan? Ito ba ang kagalakan ng lahat ng bansa?”
16. Iniismiran ka ng iyong mga kaaway at kanilang sinasabi,“Nawasak na rin natin siya!Sa wakas bumagsak din siya sa ating mga kamay.”