Mga Kawikaan 6:23-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw,at daan ng buhay itong mga saway.

24. Ilalayo ka nito sa babaing masama,sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya.

25. Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay,ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay.

26. Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay,ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay.

Mga Kawikaan 6