Mga Kawikaan 6:12-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Taong walang kuwenta at taong masama,kasinungalingan, kanyang dala-dala.

13. Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit,ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit.

14. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip,ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid.

15. Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating,sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.

16. Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,mga bagay na kanyang kinasusuklaman:

Mga Kawikaan 6