Mga Kawikaan 4:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway,tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal.

19. Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman,ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal.

20. Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti,pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.

21. Huwag itong babayaang mawala sa paningin,sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim.

Mga Kawikaan 4