12. pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan,tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.
13. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan,at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo.
14. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito,at higit sa gintong lantay ang tubo nito.
15. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan,at walang kayamanang dito ay maipapantay.
16. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.