Mga Kawikaan 28:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang haring walang pang-unawa ay tiyak na malupit;ang pamamahala ng tapat na hari ay lalawig.

17. Ang pumatay sa kapwa ay humuhukay ng sariling libingan,at ang taong ito'y di dapat tulungan.

18. Ang taong tapat ay ligtas sa kapahamakan,ngunit ang masama ay biglang mabubuwal.

19. Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag,ngunit naghihirap ang taong tamad.

Mga Kawikaan 28