Mga Kawikaan 26:24-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam.

25. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam.

26. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.

27. Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.

Mga Kawikaan 26