20. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.
21. Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.
22. Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.
23. Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga.
24. Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam.