2. Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.
3. Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao.
4. Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang.
5. Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran.
6. Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo.
7. Kung ang paang pilay ay walang kabuluhan, ganoon din ang kawikaan sa bibig ng mangmang.
8. Ang isang papuring sa mangmang iniukol ay parang batong nakatali sa balat ng tirador.
9. Ang isang kawikaan sa bibig ng mangmang, ay tulad ng tinik sa kamay ng lasing.
10. Tulad ng isang namamana ng kahit na sino ang isang taong umupa ng mangmang o lasenggo.