Mga Kawikaan 25:26-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Bukal na nilabo o balong nadumihan ang katulad ng matuwid na sa masama ay nakipagkaibigan.

27. Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan.

28. Ang taong walang pagpipigil ay tulad ng lunsod na walang tanggulan, madaling masakop ng mga kaaway.

Mga Kawikaan 25