Mga Kawikaan 25:13-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ang sugong tapat ay kasiyahan ng nagsugo sa kanya, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.

14. Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.

15. Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

16. Huwag kakain ng labis na pulot-pukyutan at baka ito'y isuka mo lang.

Mga Kawikaan 25