Mga Kawikaan 23:29-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan?

30. Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin.

31. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam,

32. sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag.

Mga Kawikaan 23