Mga Kawikaan 23:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili.

3. Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.

4. Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.

5. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.

6. Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain.

7. Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban.

8. Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.

9. Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

Mga Kawikaan 23