18. Kung magkagayon ay gaganda ang iyong kinabukasan.
19. Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay.
20. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain.
21. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.
22. Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.