1. Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap.
2. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili.
3. Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.
4. Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon.
5. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.
6. Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain.