1. Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan,kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.
2. Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap,pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.
3. Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat,ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.