Mga Kawikaan 19:4-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan,ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.

5. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan,at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.

6. Marami ang lumalapit sa taong mabait,at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit.

7. Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid,wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit.

Mga Kawikaan 19