Mga Kawikaan 18:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan,at salungat sa lahat ng tamang isipan.

2. Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay,ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.

3. Pagsipot ng kasamaan, kasunod ay kahihiyan;kapag nawala ang karangalan, kapalit ay kadustaan.

4. Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan,parang dagat na malalim at malamig na batisan.

Mga Kawikaan 18