Mga Kawikaan 14:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang,pagkat sa kanila ay wala kang mapupulot na kaalaman.

8. Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa,ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.

9. Kinukutya ng mga hangal ang handog na pambayad sa kasalanan,ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban.

10. Walang makikihati sa kabiguan ng tao,gayon din naman sa ligayang nadarama nito.

Mga Kawikaan 14