Mga Kawikaan 11:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya,ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

2. Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan,ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

3. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

Mga Kawikaan 11