4. “Nang sa bundok ng Seir, Yahweh, ikaw ay lumisan,at nang ang lupain ng Edom ay iyong iniwan,nayanig ang lupa at bumuhos ang ulan,tubig ng mga ulap sa kalangitan.
5. Nayanig ang mga bundok sa harapan ni Yahweh, na nasa Zion,sa harapan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
6. “Nang panahon ni Shamgar, anak ni Anat,gayundin naman nang panahon ni Jael,ang mga manlalakbay ay lumilihis sa daan,tumigil ang mga tao sa pangangalakal.
7. Noo'y iniwan na ang mga nayon sa Israel,ngunit nang dumating ka, Debora,sa Israel ika'y naging isang ina.