12. “Gumising ka, Debora, at ikaw ay tumayo!Gumising ka't bumangon, umawit ng isang himig.Barak, anak ni Abinoam,kumilos ka't dalhin mong bihag ang mga kalaban.
13. Kumilos na ang mga dakila ng bayan;alang-alang kay Yahweh malakas man ay lalabanan!
14. Sumalakay sa libis ang hukbo ni Efraim,kasunod sa paglusob ang lipi ni Benjamin.Mga pinuno ng Maquir sa digmaa'y dumating,gayundin ang mga pinuno na sa Zebulun nanggaling.