Mga Hukom 15:15-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. May nakita siyang panga ng asno. Dinampot niya ito at siyang ginamit sa pagpatay sa may sanlibong Filisteo.

16. Pagkatapos, umawit siya ng ganito:“Sa pamamagitan ng panga ng asno, pumatay ako ng sanlibo;sa pamamagitan ng panga ng asno, nakabunton ang mga bangkay ng tao.”

17. Pagkatapos, itinapon niya ang panga ng asno; at ang lugar na iyon ay tinawag na Burol ng Panga.

Mga Hukom 15