Mga Hebreo 7:12-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Kapag binago ang pagkapari, kailangan ding baguhin ang kautusan.

13. Ang ating Panginoon ang paring tinutukoy dito. Kabilang siya sa ibang angkan at wala isa man sa angkan niya ang naglingkod bilang pari.

14. Alam ng lahat na siya'y mula sa angkan ni Juda, at hindi binanggit ni Moises ang angkang ito nang sabihin niya ang tungkol sa mga pari.

Mga Hebreo 7