6. Sinabi rin niya sa ibang bahagi ng kasulatan,“Ikaw ay pari magpakailanman,ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”
7. Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá.
8. Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.