Mga Hebreo 13:22-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Mga kapatid, hinihiling ko na pakinggan ninyong mabuti ang mga sinasabi ko sapagkat maikli lang naman ang sulat na ito.

23. Nais ko ring malaman ninyo na nakalaya na ang ating kapatid na si Timoteo, at kung darating siya agad, isasama ko siya pagpunta ko riyan.

24. Ikumusta ninyo kami sa mga namumuno sa inyo at sa lahat ng kapatid. Kinukumusta kayo ng mga kapatid sa Italia.

25. Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Diyos.

Mga Hebreo 13