Mga Hebreo 1:4-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila.

5. Sapagkat kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,“Ikaw ang aking Anak,mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,“Ako'y kanyang magiging Ama,at siya'y aking magiging Anak.”

6. At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”

7. Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya,“Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel,at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”

8. Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya,“Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man,ikaw ay maghaharing may katarungan.

9. Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.”

10. Sinabi pa rin niya,“Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan.

11. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,at tulad ng damit, lahat ay kukupas,

12. at ililigpit mong gaya ng isang balabal,at tulad ng damit, sila'y papalitan.Ngunit mananatili ka't hindi magbabago,walang katapusan ang mga taon mo.”

13. Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,“Maupo ka sa kanan ko,hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

14. Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.

Mga Hebreo 1