Mga Hebreo 1:13-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,“Maupo ka sa kanan ko,hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

14. Ano ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas.

Mga Hebreo 1