Mga Gawa 9:22-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.

23. Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo.

24. Araw at gabi ay inaabangan nila si Saulo sa mga pintuang-bayan para patayin, ngunit nalaman niya ito.

25. Kaya't isang gabi, inilagay siya ng kanyang mga alagad sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader.

26. Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit sila'y natatakot sa kanya dahil hindi sila makapaniwalang isa na siyang alagad.

Mga Gawa 9