Mga Gawa 7:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Kaya't nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Egipto, pinapunta niya roon ang ating mga ninuno.

13. Sa ikalawang pagpunta nila, nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid, at nalaman naman ng Faraon ang tungkol sa kanyang pamilya.

14. Dahil dito'y ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob at ang buong pamilya nito, pitumpu't limang katao silang lahat.

15. Pumunta nga si Jacob sa Egipto at doon siya namatay, gayundin ang kanyang mga anak.

Mga Gawa 7