10. Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko'y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at maaaring mapinsala ang mga kargamento at ang barko, at nanganganib pati ang buhay natin.”
11. Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at kapitan ng barko kaysa sa payo ni Pablo.
12. Dahil hindi mabuting tigilan ang daungang iyon kung panahon ng taglamig, minabuti ng nakararami na magpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay, sa pag-asang makakarating sila sa Fenix. Ito'y isang daungan sa Creta, at nakaharap sa hilagang-kanluran at timog-kanluran.