Mga Gawa 26:21-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio habang ako'y nasa Templo, at nais nila akong patayin.

22. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos, kaya't ngayon nakatayo ako rito at nagpapatotoo tungkol sa kanya sa lahat ng tao, anuman ang katayuan nila sa buhay. Wala akong itinuturo kundi ang mga sinabi ng mga propeta at ni Moises,

23. na ang Cristo ay kailangang magdusa, at siya ang unang mabubuhay na muli upang magdulot ng liwanag sa mga Judio at sa mga Hentil.”

Mga Gawa 26