Mga Gawa 23:33-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Pagdating sa Cesarea iniharap nila si Pablo sa gobernador at ibinigay ang sulat na dala nila.

34. Pagkabasa sa sulat, tinanong ng gobernador si Pablo kung tagasaan siya. At nang malamang siya'y taga-Cilicia,

35. kanyang sinabi, “Diringgin ko ang kaso mo pagdating ng mga nagsasakdal sa iyo.” At pinabantayan niya si Pablo sa palasyo ni Herodes.

Mga Gawa 23