Mga Gawa 23:27-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Ang lalaking ito'y hinuli ng mga Judio at papatayin na sana. Nalaman kong siya'y isang mamamayang Romano, kaya't nagsama ako ng mga kawal at iniligtas siya.

28. Sa hangad kong malaman kung ano ang sakdal laban sa kanya, pinaharap ko siya sa Sanedrin.

29. Nalaman kong ang paratang sa kanya'y tungkol sa ilang usaping may kinalaman sa kanilang kautusan, at hindi sapat na dahilan upang siya'y ipapatay o ipabilanggo.

Mga Gawa 23