Mga Gawa 23:16-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang balak na ito'y nalaman ng pamangkin ni Pablo na anak ng kanyang kapatid na babae. Kaya't ipinasabi niya ito kay Pablo.

17. Tinawag naman ni Pablo ang isa sa mga kapitan at sinabi, “Samahan nga po ninyo ang binatilyong ito sa inyong pinuno sapagkat mayroon siyang gustong sabihin.”

18. Sinamahan nga ng kapitan ang binatilyo sa pinuno ng mga sundalo. Sinabi niya, “Tinawag po ako ng bilanggong si Pablo at pinasasamahan sa inyo ang binatilyong ito, sapagkat may sasabihin daw siya sa inyo.”

19. Hinawakan ng pinuno sa kamay ang binatilyo, dinala sa isang tabi at tinanong, “Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”

20. Sumagot siya, “Pinagkasunduan po ng mga Judio na hilingin sa inyong iharap si Pablo sa Sanedrin bukas at kunwari'y sisiyasating mabuti.

Mga Gawa 23