12. Kinaumagahan, matapos na magkasundo ang mga Judio, bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga't hindi nila napapatay si Pablo.
13. Mahigit na apatnapung lalaki ang nanumpa ng ganoon.
14. Pumunta sila sa mga punong pari at sa mga pinuno ng bayan, at sinabi nila, “Kami ay sumumpang hindi kakain at hindi iinom hangga't hindi namin napapatay si Pablo.
15. Kaya, hilingin ninyo at ng Sanedrin sa pinuno ng mga sundalo na dalhin muli rito si Pablo. Idahilan ninyong sisiyasatin ninyong mabuti ang kanyang kaso. At sa daan pa lamang ay papatayin na namin siya.”