Mga Gawa 2:25-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya,‘Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina,hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya.

26. Kaya't ako'y nagdiriwang,puso at diwa'y nagagalak,gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa.

27. Sapagkat hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay;at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod.

28. Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay,dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’

29. “Mga kapatid, sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon.

Mga Gawa 2