Mga Gawa 19:18-19-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?”“Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila.

3. “Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?” tanong niya.“Sa bautismo ni Juan,” tugon naman nila.

4. Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga tumatalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya ang pagsisisi sa mga Israelita upang sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.”

5. Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.

6. Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos.

7. Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo.

8. Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo'y pumapasok sa sinagoga at buong tapang na nagpapaliwanag sa mga naroon at hinihikayat niya ang mga tao na magpasakop sa paghahari ng Diyos.

9. Ngunit may ilan sa kanila na nagmamatigas at ayaw sumampalataya, at nagsasalita pa sila ng masama laban sa Daan sa harap ng kapulungan. Kaya't iniwan ni Pablo ang sinagoga kasama ang mga mananampalataya at nagpatuloy ng kanyang pangangaral araw-araw sa paaralan ni Tirano.

18-19. Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag na sila ay nangkukulam. Tinipon nila ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.

20. Kaya't sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, patuloy na lumaganap at nagtagumpay ang kanyang salita.

21. Pagkatapos ng mga pangyayaring ito, sa patnubay ng Espiritu, nagpasya si Pablo na maglakbay sa Macedonia at Acaya papuntang Jerusalem. “Kailangan ko ring pumunta sa Roma pagkagaling sa Jerusalem,” sabi niya.

22. Pinauna niya sa Macedonia sina Timoteo at Erasto, dalawa sa kanyang mga kamanggagawa, at siya'y tumigil sa Asia nang kaunti pang panahon.

Mga Gawa 19