1. Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. Natagpuan niya roon ang ilang alagad
2. at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?”“Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila.
3. “Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?” tanong niya.“Sa bautismo ni Juan,” tugon naman nila.
18-19. Marami sa mga sumampalataya ang dumating at nagpahayag na sila ay nangkukulam. Tinipon nila ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga ito sa harap ng madla. Sa kabuuan, ang halaga ng mga ito ay umabot sa limampung libong salaping pilak.