Mga Gawa 17:26-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan.

27. Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin;

28. sapagkat,‘Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,‘Tayo nga'y mga anak niya.’

29. Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalaing siya ay tulad lamang ng mga larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao.

Mga Gawa 17