Mga Gawa 14:1-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Gayundin ang nangyari sa Iconio; sina Pablo at Bernabe ay pumasok sa sinagoga ng mga Judio. Napakahusay ng kanilang pangangaral kaya't maraming Judio at Griego ang sumampalataya.

2. Gayunman, may ilang Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan pa nila ang mga Hentil at nilason ang isip ng mga ito laban sa mga mananampalataya.

3. Nanatili roon nang matagal sina Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinapatunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala.

4. Kaya't nahati ang mga tao sa lunsod; may pumapanig sa mga Judio, may pumapanig naman sa mga apostol.

5. Napagkasunduan ng mga Hentil, ng mga Judio, at ng kanilang mga pinuno, na hamakin at pagbabatuhin ang mga apostol.

6. Subalit nang malaman iyon ng dalawa, sila'y tumakas papuntang Listra at Derbe, mga lunsod ng Licaonia, at sa mga karatig na lupain,

7. at doon sila nangaral ng Magandang Balita.

10. at malakas na sinabi, “Tumayo ka!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad.

11. Nang makita ng mga taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!”

12. Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at si Pablo nama'y Hermes, sapagkat siya ang tagapagsalita.

Mga Gawa 14