Mga Gawa 13:35-40 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

35. At sinabi rin niya sa iba pang bahagi,‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.’

36. “Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok.

37. Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok.

38. Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan.

39. At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises.

40. Kaya't mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,

Mga Gawa 13