14. Nakilala niya agad ang tinig ni Pedro, at sa laki ng tuwa ay hindi na nagawang buksan ang pinto. Sa halip, tumakbo siyang papasok at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan.
15. “Nahihibang ka ba?” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Baka naman anghel niya iyon!”
16. Samantala patuloy na kumakatok si Pedro.Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala.