Mga Gawa 12:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang mga panahon ding iyon, sinimulang usigin ni Haring Herodes ang ilang kaanib ng iglesya.

2. Pinapugutan niya sa pamamagitan ng tabak si Santiago na kapatid ni Juan.

3. At nang makita niyang ito'y ikinalugod ng mga Judio, si Pedro naman ang kanyang ipinadakip. Nangyari ito noong Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa.

4. Pagkadakip kay Pedro, siya'y ikinulong at pinabantayan sa apat na pangkat ng tig-aapat na kawal. Ang balak ni Herodes ay iharap siya sa bayan pagkatapos ng Paskwa,

Mga Gawa 12