Mga Bilang 35:8-16-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. “Sabihin mo sa mga Israelita: Pagtawid ninyo ng Ilog Jordan patungong Canaan,

11. pumili kayo ng mga lunsod-kanlungan na matatakbuhan ng sinumang makapatay nang di sinasadya.

12. Doon siya magtatago habang nililitis pa ang kanyang kaso upang huwag mapatay ng malapit na kamag-anak na gustong maghiganti.

13. Pumili kayo ng anim na lunsod-kanlungan;

14. tatlo sa silangan ng Jordan at tatlo sa Canaan.

15. Ang mga lunsod na ito'y maaaring pagtaguan ng sinumang makapatay nang di sinasadya, maging siya'y Israelita o isang dayuhan.

Mga Bilang 35