Mga Bilang 35:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Bigyan rin ninyo sila ng anim na lunsod-kanlungan na takbuhan ng mga nakapatay nang hindi sinasadya. Bukod dito, bibigyan pa ninyo sila ng apatnapu't dalawang lunsod,

7. kasama ang mga pastulan ng mga ito. Samakatuwid, ang ibibigay ninyo sa kanila ay apatnapu't walong lunsod.

8. Ang bilang ng lunsod na ibibigay ng bawat lipi ay batay sa laki ng lipi; sa malaking lipi, marami ang kukunin, sa maliit ay ilan lang.”

9. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

10. “Sabihin mo sa mga Israelita: Pagtawid ninyo ng Ilog Jordan patungong Canaan,

Mga Bilang 35