22. “Ngunit ang sinumang nakapatay nang hindi sinasadya, maging sa pamamagitan ng tulak, o pukol ng anumang bagay;
23. o kaya'y naghagis ng bato at may natamaang di niya nakikita, at hindi naman niya kaaway,
24. ang taong iyon ay hindi dapat ipaubaya ng sambayanan sa mga kamag-anak ng namatay upang paghigantihan ng mga ito.
25. Siya ay pangangalagaan ng sambayanan sa kamag-anak na gustong maghiganti; ibabalik siya sa lunsod-kanlungan at mananatili roon habang nabubuhay ang kasalukuyang pinakapunong pari.
26. Kapag ang nakapatay ay lumabas ng lunsod-kanlungan