2. ang mga tagubilin para sa bansang Israel, “Pagpasok ninyo sa Canaan, ang lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang mga hangganan ng inyong nasasakupan ay ang mga ito:
3. Sa timog, ang ilang ng Zin na katapat ng Edom, ang dulo ng Dagat na Patay,
4. ang daan paakyat sa Acrabim, ang Zin hanggang sa timog ng Kades-barnea, ang Hazaradar at ang Azmon,
5. at ang Batis ng Egipto hanggang sa dagat.
6. “Sa kanluran: ang Dagat Mediteraneo.